SAN JOSE CITY – Mga tama ng bala ng baril sa dibdib at ulo ang ikinamatay ng isang “kristo” sa sabungan, habang kritikal naman ang kasama niya nang pagbabarilin sila ng hindi nakilalang salarin noong Huwebes ng umaga, sa tapat ng isang establisimyento sa Barangay F. E. Marcos sa lungsod na ito.

Sa ulat ni Supt. Nolie Asuncion, ng San Jose City Police, nakilala ang biktimang si Clayton Palos Soner, 32, ng Bgy. Abar 1st dito.

Nabatid sa pagsisiyasat ni PO3 Crisostomo Rivera na dakong 9:30 ng umaga at galing sa Justice Hall si Soner at ang kaanak niyang si Benjamin Rivera Pano-Soner, 64, ng Bgy. San Nicolas, Gapan City, sakay sa motorsiklo nang biglang lapitan ng suspek.

Nakasuot ang suspek ng pulang T-shirt, shorts na kulay gatas, naka-tsinelas, may taas na 5’4”, at kulot ang buhok. (Light A. Nolasco)
Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae