SAKSI kami kung paano pinagkaguluhan at dinumog ng mga tao ang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada na si Jake Ejercito isang tanghaling magkasama silang mag-ama sa Tondo. As in, grabe ang tilian at hiyawan ng mga tao sa kanya.

Sa totoo lang, sabi pa nga ng isang kasamahan namin, parang si Jake na raw yata ang sinusundan ng mga tao at hindi na ang mga kandidatong tumatakbo sa eleksiyon.

Lagi namang may ngiti si Jake at hindi napapagod sa pagkaway sa mga taong walang kapaguran ding isinisigaw ang pangalan niya.

Sey ni Jake nang tiyempong mapalapit sa kinaroonan namin, tuwang-tuwa siya sa reaksiyon ng mga tao sa kanya.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Everytime na may lalapit at nakikipagkamay sa kanya, siyempre raw isang boto na raw ang kahulugan niyon para sa ama niya.

Matatandaan na napabalita noon pa na tatakbo siya para konsehal sa Maynila, kaya tinanong namin siya kung balak na niyang pasukin na rin ang pulitika. Agad umiling si Jake at sinabing kailangan muna niyang tapusin ang pag-aaral niya.

Katunayan, ilang araw lang ang itatagal niya sa ‘Pinas dahil babalik agad siya sa Singapore dahil tapos na ang school vacation nila. (JIMI ESCALA)