Abril 3, 1885 nang gawaran ang German engineer na si Gottlieb Daimler ng patent para sa internal combustion engine na pinagagana ng gasolina. Ang makina ay orihinal na binubuo ng isang vertical cylinder, at tinawag na “grandfather clock engine” dahil sa hitsura nito.

Noong taong iyon, ikinabit ng dalawang inhinyero ang nasabing makina sa isang sasakyang dalawa ang gulong; at nang sumunod na taon, sa isang karwahe naman na may apat na gulong.

Taong 1882 nang sinimulang i-develop nina Daimler at Wilhelm Maybach ang isang four-stroke light engine. Gayunman, nasubok sila na bumuo ng mas mabilis na makina. Matapos noon ay bumuo si Maybach ng iba’t ibang patent specification.

Sa pagpapaunlad nito, binago ang posisyon ng makina at mula sa paghiga ay naging patayo. Gumagamit ng vacuum pressure ang intake valve ng makina, na dahilan sa awtomatikong pagbubukas-sara nito.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’