Patay ang isang lolo matapos siyang pagbabarilin sa loob ng kanyang bahay dahil sa away sa lupa, sa bayan ng San Jose, Camarines Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa San Jose Municipal Police, si Dominador Palaypayon, 71, ay pinagbabaril ni Limuel Penya, kasama ang isang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa imbestigasyon ni PO2 Adrian Lirag, nagtamo ng mga tama ng bala sa dibdib si Palaypayon at agad na namatay.

Sinabi ng pulisya na pinasok ng suspek ang bahay ni Palaypayon, kasama ang isang hindi nakilalang lalaki, at nagtalo ang biktima at si Penya dahil sa lupa.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Sa huli, pinagbabaril ng suspek ang matanda bago tumakas. (Fer Taboy)