LOS ANGELES (AFP) – Nakikipag-ugnayan na ang House of Cards star na si Robin Wright kung makakasama siya nina Harrison Ford at Ryan Gosling sa sequel ng sci-fi classic na Blade Runner, ayon sa mga producer nitong Huwebes.

Hindi isiniwalat ng Alcon Entertainment ang mga detalye o kung ano ang gagampanang karakter ni Wright. Muli namang gagampanan ni Ford, 73, ang kanyang papel mula sa 1982 original.

Inihayag ng Alcon Entertainment noong 2011 na gagawan ng follow-up ang pelikula, wala pang titulo, sa pamamagitan ng British filmmaker na si Ridley Scott.

Ipapalabas ng Sony Pictures ang sequel sa lahat ng overseas territory.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Si Wright, na magdiriwang ng ika-50 kaarawan sa Abril 8, ay nanalo ng Golden Globe sa pagganap bilang first lady na si Claire Underwood sa Netflix hit series na House of Cards. Siya ay mapapanood sa Wonder Woman sa susunod na taon, ang pinakabagong Warner’s DC Comics live-action conversions.