ANDI AT JAKE copy

BOTHERED si Jake Ejercito sa sinulat namin tungkol sa kanya nitong nakaraang Huwebes, sabi ni Katotong Jobert Sucaldito kahapon.

Tinanong daw siya ni Jake kung kilala kami, dahil nga parang hindi niya nagustuhan ang isyu na ginamit lang niya si Andi Eigenmann dahil gusto pala niyang pumasok sa showbiz.

“Sabi ko nga kay Jake, ‘anak, akong bahala, mabait naman si Tita Reggee mo, ganu’n talaga kaming mga reporters kapag nagsulat, that’s showbiz, anak’, kuwento ni Jobert. “But don’t worry, babanggitin ko kay Tita Reggee mo na na-bother ka regarding the panggagamit thing.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Katwiran namin, sinulat lang namin ang kuwento ng ilang taong nakakakilala kay Jake. Natatandaan din namin na sinasabi niya sa mga interview sa kanya noong sila pa ni Andi na wala siyang planong mag-artista dahil nag-aaral siya at gusto niyang sundan ang yapak sa pulitika ng papa niyang si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

“Actually, nag-aaral siya, hindi na sa London, sa Singapore na,” kuwento pa ni Katotong Jobert. “May branch yata sa Singapore ‘yung school na pinapasukan niya sa London, parang pareho lang din yata ang kalidad.

“Umuuwi siya ng weekends, Monday to Friday nasa Singapore siya, ‘tapos Saturday and Sunday nandito siya sa Manila.

Ganu’n siya kasipag at kapursigido na tapusin. Actually, one year na lang yata siya sa course niya.

“But, heto ang tanong ko kay Jake, ‘are you really interested in joining showbiz?’ At sinagot niya ako ng diretso rin, ‘opo’.” Feeling ko noon pa niya gusto since pareho namang showbiz ang parents niya, di ba? Kaya lang noon, walang concrete offer, so ngayong may nag-offer, tinanggap na.

“May workshop naman daw siya, sabi ko nga, paghusayan mo para hindi ka mapintasan.”

Sinabi namin kay Katotong Jobert na ipakilala niya kami kay Jake para mainterbyu at malaman namin ang pagkatao niya dahil kung sa mga kuwento ng ibang tao at litrato lang kami magbabase, e, masasabing may angas dahil nga tisoy at inglisero pa.

“Naku, super bait nu’n. Oo, ‘papakilala kita, at saka baka nga hindi muna siya maging active ngayon sa Eat Bulaga kasi tutulong siya sa campaign ang papa niya,” sabi pa sa amin.

At least umamin rin si Jake na gusto talaga niyang mag-artista. ‘Yun lang din naman ang punto ng pagkakasulat namin.

(Reggee Bonoan)