PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army sa engkuwentro sa mga militar sa Sitio Kabisalan, Barangay Joson, Carranglan, Nueva Ecija, nitong Miyerkules ng umaga.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Randy Remonte, 3rd Infantry Battalion (3rd IB) ng Philippine Army, ang hindi pa nakikilalang lalaking rebelde ay nakasuot ng rubber boots at berdeng pantalon.

Ayon kay Remonte, dakong 6:00 ng umaga, nagpapatrulya ang mga tropa mula sa Charlie Company, 3rd Infantry Battalion, 7ID sa lugar nang makasalubong ang hindi matiyak na bilang ng mga rebeldeng NPA.

Umabot sa mahigit isang oras ang bakbakan na nagresulta sa pagkamatay ng isang rebelde. Walang nasugatan sa tropa ng pamahalaan. (Franco G. Regala)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito