Abril 1, 1700 nang simulang pasikatin ng British pranksters ang taun-taong tradisyon ng pagbibiro at paggawa ng kalokohan sa isa’t isa, na kalaunan ay tinawag na “April Fools’ Day.” Hindi nagtagal at umabot na rin sa ibang bansa ang nasabing tradisyon.

Kung paano ito nagsimula ay nananatiling misteryo. Ayon sa ilang historian, ito ay nagsimula noong 1582, nang unang gamitin ng France ang Gregorian calendar. Hindi alam ng ibang tao na inilipat na ang araw ng Bagong Taon sa Enero 1, at patuloy itong ipinagdiriwang tuwing huling bahagi ng Marso.

Mayroon ding teorya na ang April Fools’ Day ay inuugnay sa unang araw ng tagsibol sa northern hemisphere, kapag hindi matantya ng mga tao ang lagay ng panahon.

Abril 1, 1996 nang nagbibirong inihayag ng isang fast-food chain na nabili na nito ang Liberty Bell sa Philadelphia.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina