Marso 31, 1959, nang makarating sa India si Dalai Lama, spiritual adviser ng Tibet, matapos nitong maglakbay mag-isa mula sa kabisera ng Tibetan, ang Lhasa.

Binaybay ni Dalai Lama ang napakalawak na Brahmaputra River, at pagsapit ng gabi ay pilit na nilabanan ang napakalamig na klima sa Himalayas. Isinilang sa Taktser, China bilang Tensin Gyatso, ang pinuno ay kinilala bilang ika-14 na Dalai Lama noong 1940.

Taong 1950, sinimulang okupahan ng China ang Tibet, at ng sumunod na taon, gumawa ang China ng pekeng kasunduan sa Tibet na nagsasabing ang huli ay magiging Chinese “national autonomous region.”

Hindi nagtagal ay namanipula ng Chinese communist commission ang Tibet, at ang mga relihiyosong Buddhist ay naapektuhan dahil sa anti-religion policies ng China.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho