Binatikos kahapon ni United Nationalist Alliance (UNA) standard-bearer Vice President Jejomar C. Binay si Internal Revenue Commissioner Kim Henares sa pagtutol nito sa panukalang ibaba ang income tax rates, partikular sa mga manggagawa sa bansa.

Sinabi ni Binay na muling ipinakita ng administrasyong Aquino na mas pinahihirapan pa ang mga mahihirap kaysa iangat ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sakaling palarin na maupo bilang susunod na pangulo ng bansa, tiniyak ni Binay na tatapyasan niya ang buwis sa unang taon pa lamang ng kanyang termino.

“Kapag para sa ikagiginhawa ng mahihirap, ang laging sagot hindi p’wede. Hindi makatarungan na pareho lang ang binabayarang buwis ng ordinaryong manggagawa at milyonaryo. Sa ilalim ng aking pamumuno, wawakasan natin ‘yan,”sabi ni Binay.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Kapag nahalal na pangulo, bababaan umano ni Binay ang income tax ng manggagawa na sumusuweldo ng P30,000 at pababa na pakikinabangan ng anim na milyong manggagawa mula sa mga pribado at pampublikong sektor.

“To Ms. Henares, the solution is not more taxes. What the people need is tax relief, more jobs, more education, more healthcare, better government. There are 26 million poor Filipinos today. This administration has overseen an increase in poverty. Under a Binay presidency, that will end,” dugtong ng pambato ng UNA. (Bella Gamotea)