DERRICK AT BEA copy

NAKAKAALIW subaybayan ang Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang Makita Kang Muli na pinagbibidahan ni Bea Binene dahil hinihintay ang ipinangako ng leading man niyang si Derrick Monasterio na marami siyang topless scene.

Hinahanap ng mga pinangakuan ni Derrick (lalo na ng beking fans niya) ang topless scenes dahil sa pilot week lang daw siya nakitang naghubad.

Ipinarating namin sa production staff ang reklamo ng fans ni Derrick at ang sabi, maghintay lang dahil may mga topless scene pa ang aktor at makikita ang well-toned body at abs niya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Magandang balita rin sa fans ni Derrick na malapit nang i-release ng GMA Records ang self-title album niya. Sa April 5 na ito at baka isabay ang airing ng music video ng first single niyang Give Me One More Chance.

Nabanggit din dati ni Derrick na may song siya sa album na gagamiting theme song ng Hanggang Makita Kang Muli, pero dahil na-delay ang labas ng album, ibang theme song ang ginamit sa soap nila ni Bea. Hopefully, maihabol pa rin at magamit sa sariling teleserye.

Samantala, mabuti at napahinga na si Derrick sa pamba-bash ng ilang AlDub fans dahil sa pagkaka-link niya kay Maine Mendoza. Si Jake Ejercito ang bagong gusto ng ibang solid fans ni Maine para sa kanya, sila ang fans ni Maine na ayaw kay Alden Richards na maging reel and real love team niya. (NTZ MIRALLES)