Pinagmulta ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tig-P1 milyon ang dalawang bus company dahil sa pagiging kolorum o pagbiyahe nang walang kaukulang prangkisa mula sa ahensiya.

Nilagdaan din ng LTFRB Board ang isang resolusyon na may petsang Marso 28, 2016 na nagkakansela sa prangkisa ng 10 bus ng Dimple Star Transport habang isang resolusyon din ang inilabas ng ahensiya laban sa CUL Transport, na mayroong anim na unit.

Kapwa pinagmulta ng LTFRB ang dalawang bus company ng P1 milyon bukod pa sa kanselasyon ng kani-kanilang prangkisa matapos hulihin dahil sa pagiging kolorum sa ilalim ng “Oplan Krismas” na ipinatutupad ng ahensiya.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, LTFRB board member, na nahuli ang isang unit (TYR-393) ng Dimple Star at isang unit (HVP-746) ng CUL Transport habang bumibiyahe noong Disyembre 2015 nang walang “special permit” mula sa LTFRB.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Idinahilan ng mga bus operator sa pagdinig ng board noong Enero 12 na “kalakaran na” ang pagbiyahe nang walang special permit tuwing Pasko, dahil sa sobrang dami ng pasahero.

“They are operating out of line and are considered as doing colorum operations, defined and penalized under the Joint Administrative Order (JAO) 2014-001,” pahayag ni Inton. (Czarina Nicole O. Ong)