BRUSSELS (Reuters) – Pinakawalan ng Belgian prosecutors nitong Lunes ang isang lalaki na inaakusahang may kaugnayan sa madugong pambobomba sa Brussels noong nakaraang linggo, sinabing wala silang sapat na impormasyon para idetine siya.

Ang suspek na si Faycal Cheffou ay inaakusahang nakibahagi sa mga aktibidad ng isang teroristang grupo at sa actual at attempted terrorist murder matapos idetine noong Huwebes. Hinalughog ang kanyang bahay ngunit walang nakitang armas o pampasabog.

“The evidence which led to the arrest of the man named as Faycal C has not been backed up by the ongoing investigation. As a result, the person has been freed by the investigating magistrate,” sinabi ng prosecutor’s office.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo