Marso 29, 1974 nang marating ng unmanned American space probe na Mariner 10 ang Mercury, may 705 kilometro sa ibabaw ng planeta. Ang Mariner 10 ang nagpadala ng mga litrato ng planeta, at sinuri rin ang kapaligiran nito. Nagawa rin nitong i-map ang 35 porsiyento ng lupa ng planeta, na gaya ng sa Buwan.

Ayon sa datos mula sa Mariner 10, ang Mercury ay umiikot sa axis ito nang mahigit sa 58 araw sa Earth, walang tubig, at walang hangin. Nagliliyab sa init at nagyeyelo rin ang planeta sa pag-ikot nito.

Muling lumapag ang Mariner 10 sa Mercury noong Setyembre 21, 1974, at noong Marso 16, 1975. Ito lamang ang nag-iisang artificial spacecraft na nakarating sa Mercury.

Tinungo rin ng Mariner 10 ang Venus, ngunit ito ay para lamang gamitin ang gravity ng huli pagkagaling nito sa Mercury. Ang Mariner 10 ay nasa 503 kilo ang bigat, at may walong electronic compartment. Pinagagana ito ng liquid fuel at nakakabitan ng omnidirectional antenna.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’