Nais ng mga maralitang residente sa Valenzuela City na repasuhin ng mga konsehal ang ordinansa na nagbabawal na lumantad sa mga pampublikong lugar ang mga walang suot na pang-itaas o nakahubad-baro.

Anila, paninikil sa estado ng kanilang pamumuhay ang Ordinance No. 19 series of 2008 na iniakda ni First District Councilor Rovin Feleciano, na pinagtibay nina Councilors Tyson Sy, Lorie Natividad-Borja at Charee Pineda.

Tanging sina Councilors Lotlot Esteban-Cayco at Mar Morelos ang kumontra sa nasabing ordinansa, na nagpapataw ng multang P250 o pagkakakulong ng 30 araw sa sinumang lalabag.

Ang mga pulis, mga opisyal ng barangay, at Mayor’s Action Force ang magpapatupad ng nasabing ordinansa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Hinaing ng mga residente, ang pagtambay nang nakahubad-baro sa labas ng kanilang bahay ang tanging solusyon para mapawi ang init, lalo na ngayong summer.

Kamakailan lang ay hinuli ng mga pulis ang apat na lalaki na nakahubad-baro habang nagpapahangin sa labas ng kani-kanilang bahay sa Gen. T. De Leon. (Orly L. Barcala)