Ni NORA CALDERON

Mikael at RegineBALIK-TRABAHO na si Regine Velasquez after ng Holy Week vacation nila ni Ogie Alcasid at ng anak nilang si Nate sa Boracay. At ngayong gabi na, after 24 Oras, ang pilot telecast ng bago niyang seryeng Poor Señorita sa GMA-7.  

Enjoy ang Asia’s Songbird sa ilang araw na nilang taping ng rom-com series.

“Nakakatuwa kasi, may inputs ako sa character ko bilang si Rita Villon,” sabi ni Regine. “From mayaman na naging mahirap. Hindi naman mahirap gawin, dahil dati naman ako lumaking mahirap. Saka ang nakakatuwa sa story, mga batang sanay sa hirap ang characters nila, ang siyang magtuturo sa akin para maka-cope up sa buhay nang maghirap na ako. Enjoy akong sa mga batang ito na ngayon ko lang nakasama.  

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

“Si Jillian Ward, nakilala ko lang siya noong ginagawa nila ni Ogie ang Daldalita five years ago, ‘tapos sina Miggs Cuaderno, Zymic Jaranilla, at ang cute naming si Caprice Cayetano, ngayon ko lang sila talaga na-meet. Kasama rin nilang tumulong sa akin ang mga Starstruck first prince and princess na sina Elyson de Dios at Ayra Mariano. Nagpapasalamat ako sa GMA na binibigyan ako lagi ng ganitong privilege kapag gumagawa ako ng anumang project para sa kanila.”

Ano feeling ni Regine na hanggang ngayon ay siya pa rin ang idolo at peg ng bagong singers?

“I’m flattered and at the same time happy na ganoon sila sa akin, pero naniniwala ako na hindi iyon adulation kundi pagmamahal, pagrespeto nila sa akin, kaya nagpapasalamat ako sa kind of attention na ibinibigay nila sa akin.”

Bukod sa taping ng Poor Señorita, busy rin si Regine sa rehearsal para sa coming praise and worship concert na first time nilang gagawin ng asawang si Ogie, Jaya at ang kanilang I Walker Band, titled Reborn.

“Isa itong way of saying thank you to God, sa lahat ng blessings na ibinibigay Niya sa atin. Kaya sana ay panoorin ninyo kami sa Sunday, April 3, sa SM Mall of Asia. Ang proceeds ng concert ay ibibigay namin sa Anawin Lay Missions Foundation Home of the Abandoned Elderly.”