Nabahala ang pamahalaang panglalawigan ng Davao del Sur sa pagsiklab ng forest fire sa tuktok ng Mount Apo na nagsimula nitong Sabado ng hapon.

Napag-alaman na lumaki pa ang sunog sa mga lugar na sakop ng Davao City, Sta. Cruz at Bansalan sa Davao del Sur; at sa Makilala, PNOC ng Kidapawan City, pababa sa Lake Venado sa North Cotabato.

Kahapon ng umaga, iniulat na lumapag sa Lake Venado ang huey helicopter ng Philippine Air Force (PAF) at nagsagawa ng aerial spray para makatulong sa pag-apula sa sunog.

Sa ulat, nabatid kay Digos City Tourism Engr. Edgardo Elera na bumuo na ng task force ang mga munisipalidad na apektado ng forest fire para pagtulung-tulungang apulahin ang apoy.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Base sa taya kahapon ng tanghali, nasa 200 ektarya na ang nilamon ng forest fire.

Samantala, ligtas namang nakababa ang lahat ng mountaineer na umakyat sa Mt. Apo.

May taas na 2,954 metro (9,692 feet) above sea level, ang Mt. Apo ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

(JUN FABON)