Lolas sa USA copy

NAGIGING bonding time, bakasyon, kasabay ng pagraket ng mga artista sa abroad ang Holy Week. Kaysa pumunta kung saan-saang bakasyunan ang mga artista, tinatanggap nila ang offers na show sa abroad.

Sina Alden Richards, Rocco Nacino at Kim Idol halimbawa, may 3-day show sa Canada, ganoon din ang Kapuso stars at magka-love team na sina Barbie Forteza at Andre Paras na first time magso-show sa California, U.SA. Special request daw sila ng fans na sumusubaybay sa kanilang That’s My Amboy sa GMA Pinoy TV. 

Sinamantala rin ni Andre na maka-bonding nila ng amang si Benjie Paras ang kapatid na si Kobe na nag-aaral sa LA at nanood pa ng kanilang show si Kobe.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

May bonding time din sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa “Lolas Sa Kalyeserye With AnBie” at para makumpleto ang lolas ng kalyeserye, isinama nila si Ai Ai delas Alas.

Kaya magkakasama sina Lola Nidora (Wally), Tidora (Paolo) at Tinidora (Jose) at Lola Baba (Ai Ai) sa San Francisco, U.S.A. rin. Based sa updates and pictures posted ng GMA Pinoy TV, sold out ang tatlong show nila sa San Francisco last March 22, sa Los Angeles noong March 23 at sa San Diego.

Naging malaking katanungan kung makakasama nina Jose at Wally si Paolo na under suspension sa TAPE, Inc., pero nakasama si Paolo dahil ang contract naman nila para sa show ay matagal nang na-approve ng TAPE bago pa nasuspinde si Paolo. Kahit si Jose ay medyo nahirapan din dahil tuwing aalis siya papuntang abroad, kailangan niyang magbigay ng bond sa Department of Justice to assure them na babalik siya sa Pilipinas. Hindi nga lang siya nakasabay umalis noong March 21, pero kinabukasan, nakasunod na rin siya sa San Francisco, kaya buo ang barkada.

Pagkatapos ng performance sa California, tumuloy si Ai Ai sa New York dahil may dalawa siyang show doon ng March 26 and 27. Wala namang problema si Ai Ai dahil taped na ang Sunday Pinasaya ngayong Linggo. (Nora Calderon)