Patay ang isang miyembro ng Batang City Jail matapos siyang pagbabarilin ng tatlong lalaki na sakay sa dalawang motorsiklo sa Muelle de la Industria Street sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima sa mga alyas na “Bochok” o “Baho”, residente ng Quiapo, at sinasabing isang dating bilanggo na miyembro ng BCJ.

Ayon kay PO2 Dennis Turla, nakatayo si Baho sa tapat ng Pisonet outlet nang lapitan ng dalawang suspek na bumaba sa isang motorsiklo at pinagbabaril dakong 2:30 ng umaga.

Bagamat may tama na ng bala sa katawan, sinabi ng mga saksi na nakatakbo pa si Baho sa direksiyon ng Muelle dela Industria Street subalit biglang sumulpot ang ikatlong suspek na nakamotorsiklo at hinabol ang biktima.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Nang makorner, bumunot ng baril ang suspek at tinodas si Baho.

Tumakas ang tatlong suspek sakay sa kanilang motorsiklo patungong Jones Bridge.

Inaalam ng pulisya kung may kinalaman sa droga ang nangyaring pamamaslang. (Jenny F. Manongdo)