Marso 25, 421 A.D., dakong tanghali, nang madiskubre ang dakilang imperial city ng Venice. Pinasisinayaan noon ang San Giacomo Church sa isla ng Rialto.

Ayon sa isang alamat, nagkahati-hati ang tubig ng isang lawa. Ngunit sa isa pang bersiyon ng kuwento, sinabing lumipat sa isla ang mga residente sa karatig upang maiwasan ang mga banyagang mananakop.

Noong una, ang populasyon ng Venice ay binubuo ng mga refugee mula sa mga kalapit na siyudad sa Rome. Ito ay naging pinakamayamang lungsod sa Europe noong ika-13 siglo.

Sa kasalukuyan, aabot sa 20 milyong katao ang bumibisita rito kada taon upang masaksihan ang makikipot ngunit nakaaakit na canals, at magagandang disenyo ng mga gusali at istruktura. Tuwing summer, nagiging matao ang ilang bahagi ng lungsod.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’