Umaasa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richie Garcia na nasa pinakamagandang kundisyon ang mga miyembro ng Philippine boxing team bago sumabak sa Asia-Oceania Olympic qualifying tournament sa Qian’an, China simula Marso 25 hanggang Abril 2.

“I hope their travel did not take its toll on the boxers,” sabi ni Garcia, nangangamba sa pisikal na kundisyon ng anim kataong delegasyon ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na sasagupa para sa hinahangad na Olympic berth sa Rio Games sa Agosto.

Una nang nagtungo sa Amerika ang mga boksingero para sa 18-araw na training camp bilang paghahanda sa krusyal na qualifying event na katatampukan din ng iba pang bansa na naghahangad na maiuwi ang silya para makalahok sa Rio Olympics na gaganapin Agosto 5-21.

Ipinaalam naman ng ABAP ang kanilang simpleng plano para sa anim na boksingero na magtatangkang putulin ang pag-aalinlangan na mabobokya sa unang pagkakataon ang asosasyon ng boksing na makapagpadala ng kalahok sapul na ito ang maging pundasyon ng medalya sa quadrennial meet.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Tumulak kahapon ang delegasyon na binubuo ng limang lalaki at isang babae patungo sa China na asam masungkit ang silya sa quadrennial Games.

Ipinaliwanag ni Picson na sa men’s division ay magkukuwalipika ang top three boxers habang sa women’s division ay tanging ang gold at silver medalist lamang ang makakapasa sa Olympics.

Ang dalawang bronze medalist sa men’s division ay magsasagupa sa box-off para madetermina ang ikatlong makakasama sa torneo. Ang koponan ay binubuo nina lightfly Rogen Ladon, flyweight Roldan Boncales, bantamweight Mario Fernandez, lightweight Charly Suarez at welterweight Eumir Felix Marcial sa kalalakihan habang si flyweight Nesthy Petecio lamang sa women’s category. (ANGIE OREDO)