Tampok ang pinakamahuhusay na beach volleyball player sa bansa sa pagsikad ng 2nd Fantasy Volleyball Match sa Abril 29-30 sa Boracay.

Magpapamalas ng kahusayan sina Rachel Anne Daquis, Cha Cruz, Michelle Gumabao, Melissa Gohing, Aby Marano, Ella De Jesus at Shiela Pineda sa torneo na inorganisa ng Nestea.

Itinuturing na ‘volleybal darling’, pangungunahan ni Daquis ang Team Plunge kasama sina Marano at kasangga sa Philippine Army na sina Jovelyn Gonzaga at Melissa Gohin.

Binubuo naman ang Team Chillax nna dating La Salle captain at two-time UAAP Finals MVP Cha Cruz. Makakasama nila sina Michele Gumabao, isa ring dating UAAP Finals MVP, Ella De Jesus, at one-time UAAP beach volleyball MVP Shiela Pineda.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Magsasagawa rin ang organizers ng two-day volleyball clinic para sa mga kabataan at bakasyunista sa isla, habang ilalarga ang 19th NESTEA Beach Volleyball tournament tampok ang pinakamahuhusay na collegiate player sa Abril 28.

“I’m very happy to be part of it, especially we are able to play the sport that we love not only for fun but also for a cause,” pahayag ni Cruz.

Isasagawa rin ang ‘Love the Beach’ campaign na may layuning palakasin ang programa para sa pangangalaga ng baybayin at iba pang yamang dagat sa buong Boracay, gayundin ang pananatiling malinis ng karagatan.

“I had so much fun last year so I’m excited to repeat everything now and seeing that there is going to be a cleanup, it’s going to be much more fulfilling,” aniya. “It’s also a good way for us to interact with everybody who wants to watch beach volleyball,” sambit naman ni Gumabao.