Puntirya nina men’s beach volleyball tandem Jade Picaldo at Hachaliah Gilbuena na makapagkuwalipika sa ngayong taon na Asian Beach Games sa paglahok sa gaganaping Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour, sa Thailand at Indonesia.

Sinabi ni Eric LeCain na kanyang hihilingin sa Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) na payagan nito na makalahok ang dalawang manlalaro sa tatlong malalaking torneo ngayong Abril sa paghahangad na makatuntong sa prestihiyosong 5th Asian Beach Games na gaganapin sa Na Thrang, Vietnam simula Setyembre 24.

“We are seeking the approval of LVPI President-in-charge Peter Cayco for us to be allowed to compete in this three prestigious event,” sabi ni LeCain.

Matatandaan na ang tambalan nina Picaldo at Gilbuena ang tinanghal na kampeon sa iba’tibang Beach Volley Challenge sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Target salihan nina Picaldo at Gilbuena ang SWM AVC Beach Tour Est Cola 1st Satum Pak Bara Open, Satum Thailand sa Abril 9-11, bago sundan ng 17th Samla Open sa Songkla, Thailand sa Abril 14-18.

Huli nilang lalahukan ang 2016 AVC Beach Volley sa Palembang, Indonesia sa Abril 20-23. (Angie Oredo)