Patay ang isang babae, biktima umano ng kulam, nang magbaril sa kaliwang sentido sa Tondo, Manila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Nericris Lumando Inzo, 22, residente ng 901 Road 10, Delpan Street sa Tondo.

Sa ulat ni SPO2 Joseph Kabigting, dakong 8:15 ng umaga nang madiskubre ng mga kasamahan sa auto supply ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang bahay.

Nakuha sa tabi ng biktima ang caliber .38 homemade revolver na hinihinalang ginamit nito sa pagpapakamatay at isang suicide note sa salitang Bisaya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Patawarin niyo ako, hindi ko na kaya ang sakit na aking nararamdaman. Huwag niyo akong iyakan.” nakasaad umano sa suicide note ng biktima.

“Walang sumasagot kumakatok kami kaya sinilip namin sa sliding door at nakita namin nakaupo siya, nakalungayngay akala namin nawalan lang ng malay kaya pinuwersa na naming buksan ‘yong pintuan nang buhatin namin ay may tumulong dugo, ibinaba na namin ulit saka tumawag kami ng pulis”, ayon kay Esmeraldo Berenguer, tiyuhin ng kinakasama ng biktima na si Melkyn Apolinar.

Nabatid na wala si Apolinar nang mangyari ito dahil umuwi umano ito sa Leyte para sunduin ang albularyo na gagamot sa biktima, na hinihinalang kinukulam.

Nagsimula umano ang kakaibang anyo ng biktima nang magbakasyon ito sa Leyte noong nakalipas na Disyembre at sa pagbalik nito noong Enero ay nakaramdam na ito ng kakaiba sa kanyang katawan.

“Alam ninyo baka may naiinggit kasi mayroong pera ito, eh alam ninyo sa probinsiya maraming inggit at marami pa rin witch (mangkukulam) na nakatira roon, hindi nga lang namin kung sino ang bumarang sa kanya,” ayon pa kay Berenguer.

(Mary Ann Santiago)