Marso 23, 1962 nang ipagkaloob ni noon ay Pakistani President Mohammad Ayub Khan ang kabayong si “Sardar” kay noon ay United States First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy. Natuklasan nina Khan at Kennedy ang pareho nilang hilig sa kabayo nang bumisita ang una sa White House noong 1961. Pinag-iibayo noon ng Pakistan at Amerika ang kanilang ugnayan.

Tinagurian ni Jacqueline si Sardar bilang kanyang “favorite treasure.” Noong bata pa, sumasali si Jacqueline sa iba’t ibang horse show sa New York. Kalaunan, nakilala niya ang mapapangasawa niyang si John F. Kennedy, na matindi ang allergy sa balahibo ng hayop. Sa kabila nito, hinihimok ni John ang kanyang asawa at mga anak na mag-alaga ng mga hayop, kabilang ang kabayo.

Matapos pumanaw si John, naging karamay ni Jacqueline sa kanyang pagluluksa ang mga kabayo. Pinili ni Jacqueline ang kabayong si “Black Jack” upang maging ceremonial animal sa libing ni John. Hanggang sa mga huling taon ni Jacqueline ay sumasakay pa rin siya sa kabayo.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’