pia at dr

UNANG pagkikita pa lang nina Miss Universe Pia Wurtzbach at ng tinaguriang sexiest doctor alive na si Mikhail “Dr. Mike” Varshayski sa 2016 New York Fashion Week, nagkapalagayang-loob agad ang dalawa. Hanggang sa natsismis na may namamagitan sa kanila nang i-post nila sa social media ang mga larawang kuha habang magkasama sila.

Pagkatapos magkita’t magkakilala sa NY Fashion Week, naging friends hanggang sa naging gym buddies ang dalawa.

Kalaunan, nabanggit ni Dr. Mike sa socila media na nagdi-date sila ni Pia. ‘Yun nga lang, nagtataka ang netizens kung bakit idinedenay ni Pia ang kanilang pagdi-date?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pero buong ningning namang ipinost ni Dr. Mike na currently dating sila ni Pia. Aniya, “I am dating Pia. It’s a fairly new relationship but I’m really excited to see where it can go!”

Nitong March 12, idinenay ni Pia sa kanyang Facebook chat ang kumalat nang balita na ‘she is currently dating anyone exclusively’.

“No. There’s no specific someone in my life. This is the specific someone. This is the priority,” na ang tinutukoy ay ang duties niya as 2015 Miss Universe .

Baka nga naman magkaroon ng conflict sa kanyang reign as Miss Universe ang pag-aming ‘sila na’ ni Dr. Mike. Hintayin na lang nating matapos ang kanyang duties and resposibilities sa Miss U, kung malaya na siyang makapagsasalita tungkol sa kanyang personal affairs, kung meron man. (ADOR V. SALUTA)