Nagposte ang Ateneo ng 7-0 panalo kontra Adamson upang makasalo sa ikatlong puwesto sa team standings ng UAAP Season 78 men’s football tournament sa McKinley Hill Stadium.

Umiskor ng goal sina Mashu Yoshioka, Michael Castillo, skipper Mikko Mabanag at rookie Jarvey Gayoso para sa Blue Eagles na nakamit ang ikalawang panalo sa second round.

Naitala ni Yoshioka ang ikaanim na goal ngayong season.

Dahil sa panalo, mayroon nang natipong 15 puntos ang Ateneo kapantay ng NationalUniversity at University of the Philippines na lalong nagpahigpit sa labanan para sa huling Final Four berth.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nangunguna pa rin ang University of Santo Tomas bago ang pansamantalang pamamahinga ng liga sa pagbibigay daan sa paggunita sa Mahal na Araw na may 18 puntos.

Kasunod nila ang defending champion Far Eastern University at De La Salle na kapwa may 17 puntos. (Marivic Awitan)