Inaasahan ang muling pag-angat ng sports na bowling sa bansa matapos pumayag ang Guinness Book of World Record holder at world multi-titled bowler na si Rafael “Paeng” Nepomuceno na maging national coach ng Philippine Team sa pamamahala ng Philippine Bowling Congress (PBC).

Ito ang napag-alaman mismo kay Steve Robles, PBC Executive Vice-Presiden at isinumite na nito sa Philippine Olympic Committee (POC) ang naturang desisyon para maaprubahan ng Olympic body.

“We hope that with Mr. Nepomuceno in-charge of all our athletes, along with their training and welfare, our sports of bowling will reach a new height,” sambit ni Robles.

Nakatakda ring ipadala ang desisyon ng PBC sa Philippine Sports Commission (PSC)-NSA Affairs Office matapos lamang itong aprubahan ng POC.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matatandaan na nirendahan ng POC at siyang namamahala ngayon sa asosasyon ng bowling bunga ng kaguluhan matapos na yumao ang dati nitong presidente at naging national coach at founding president Ernesto “Toti” Lopa at sa patuloy na pagbagsak sa kampanya sa internasyonal at lokal na torneo.

Ibinalik ng POC ang dati nitong presidente na si Steve Hontiveros upang pansamantala nitong pamahalaan ang asosasyon habang unti-unting isinasaayos ang sitwasyon sa PBC.

Sinabi ni Robles na nagsasagawa na rin ang PBC ang try-out para makuha ang serbisyo ng pinakamahuhusay na player sa bansa.

“We are having a continuing try-out for our national team as well as juniors team,” ayon kay Robles. (Angie Oredo)