Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng “Balikatan’, ipapadala ng U.S. military ang HIMARS mobile artillery platform nito para sa live-fire phase ng exercise.

Ang HIMARS ay kumakatawan sa “M142 High Mobility Artillery Rocket System”. Ito ay US light multiple rocket launcher na nakasakay sa isang standard Army medium tactical vehicle truck frame.

Kinumpirma ni Capt. Celeste Frank Sayson, tagapagsalita ng “Balikatan 2016” ang nakatakdang pagsabak ng HIMARS sa live-fire exercise sa Crow Valley, Tarlac.

Ipakikita ng HIMARS sa mga sundalong Pilipino ang kakayahan nito sa pagpuntirya sa mga kalaban sa lupa, kalawakan, at dagat. Mayroon itong maximum range na 300 kilometro.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagsimula ang US field testing ng platform noong 1998 at ang actual deployment noong 2005.

Kayang magdala ng HIMARS ng anim na rocket o isang MGM-140 ATACMS missile sa bagong linya ng medium tactical vehicles five-ton truck ng US Army, at kayang ilunsad ang buong multiple launch rocket system family of munitions.

Ito ay interchangeable sa MLRS M270A1, na nagdadala ng kalahati ng rocket load. Ang launcher ay C-130 transportable.

Nakatakda ang “Balikatan 2016” sa Abril 4-15.

Tinatayang 3,773 sundalong Pilipino at 4,904 na tropang US ang makikibahagi sa dalawang linggong military maneuvers na ngayon ay nasa ika-32 pagsasanay na. (PNA)