DIEGO AT CESAR copy copy

NAALARMA na rin si Cesar Montano sa naganap na bugbugan sa isang bar sa Taguig last March 13 na kinasangkutan ng kanyang anak na si Diego Loyzaga at ng magkapatid na Wilmer Angelo at Wilmer Paolo Lopez.

Nadidiin kasi si Diego sa kasong isinampa ng magkapatid na nakaengkuwentro niya bagamat naniniwala si Cesar na biktima rin ang anak sa naganap na rumble.

Sa ipinadalang mensahe ni Cesar kay Ginger Conejero ng TV Patrol, ipinarating ng aktor ang nalaman niya sa pangyayari.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Apparently, what happened was a small version of what we used to call back in the day, a rumble,” paliwanag ni Cesar. “The moment it ignited, sa sobrang gulo at dami ng tao hindi mo na alam kung sino ang kakampi mo at sino kalaban mo.”

Dagdag pa ni Cesar, “Then a few hours later this commotion broke out where (a) Lopez brother apparently got beaten up. Sa sobrang dami ng tao, you cannot name names except for the actor himself, my son Diego. Eh, sino pa ituturo mo?”

Sa pagharap ni Diego sa TV Patrol pagkatapos ng insidente, ipinakita niyang duguan at sugatan din ang kanyang mga kamao. May blackeye din ang young actor bunga ng rambulang naganap.

“He was a victim, too. He got injured and he has a medical certificate to prove it,” sabi ni Cesar.

Naaawa siya sa anak na napagbintangan dahil tanging ito lang ang kilala sa grupo at ang ibang nakipag-away ay malayang nakatakbo dahil hindi naman alam ang pagkakakilanlan.

Unless gumagana ang CCTV sa loob ng bar, o kung meron man sila nito sa loob ng bar.

“At the end of the day, they need somebody to point their finger at and get all the blames. And my poor son was the most qualified because that night he was the only personality you can name and no one else,” dugtong pa ng aktor.

Nasa korte na ang kaso at sa kanilang hearing malalaman ang buong pangyayari. (ADOR SALUTA)