Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa mga pantalan nitong weekend.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila patungo sa mga lalawigan sa Visayas at Mindanao.

Batay sa kanilang monitoring, umabot na sa 66,305 outbound passenger ang naitala nitong Sabado ng gabi sa mga district office sa buong bansa.

Inaasahang lolobo pa ito hanggang sa kalagitnaan ng linggo.

Tsika at Intriga

Mark Anthony Fernandez, napa-react matapos sabihang 'Only Legend Knows'

Samantala, mahigpit namang ipinatutupad ng PCG ang ilang patakaran para matiyak ang kaligtasan ng bawat pasaherop. - Beth Camia