SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nagwakas na ang matinding kalbaryo ng isang 14-anyos na babae makaraang maaresto ang kanyang ama na ilang beses umanong humalay sa kanya sa Barangay Tulay na Bato sa Bongabon, Nueva Ecija.

Nasakote ng mga operatiba ng 2nd Maneuver Platoon ng Provincial Public Safety Company (PPSC), sa pangunguna ni Senior Insp. Alexander Reyes, si Rogelio Tabios y Toquero, karpintero, biyudo, ng Bgy. Tulay na Bato sa Bongabon.

Dinakip si Tabios sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Evelyn Atienza-Turla, ng Regional Trial Court (RTC) Branch XXXX, ng Palayan City.

Nahaharap si Tabios sa siyam na bilang ng rape, na ayon sa dalagita ay nagsimula noong 2010.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi ng biktima na hindi niya nagawang isumbong ang panggagahasa ng kanyang ama dahil pinagbabantaan nito ang kanyang buhay.

Ayon naman sa pulisya, si Tabios ay ikawalong most wanted person sa listahan ng Bongabon Police. (LIGHT A. NOLASCO)