Dahil sa matinding hirap na sinapit sa matagal na pagtatago sa kabundukan, sumuko ang 13 armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa 46th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Sitio Diat Palo, Barangay Napnapan, Pantukan, Compostela Valley.

Sinabi ni Captain Rhyan Batchar, tagapagsalita ng 10th Infantry “Agila” Division, na isinuko rin ng mga rebelde ang isang M-60 general purpose machinegun, dalawang M-16A1 rifle, at dalawang rocket-propelled grenade launcher.

Bukod dito, isinuko rin ng mga rebelde ang isang improvised explosive device (IED, isang radio transceiver, at mga subersibong dokumento.

Ayon sa militar, ang mga rebel surrenderee ay pinangunahan ni Roberto Hiyan, alyas “Bobby Dallas”, commanding officer ng Milisya ng Bayan na kumikilos sa Dallas, Pentagon at Sapang Lubog sa Pantukan, Compostela Valey.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Tumanggi naman ang Army authorities na ihayag ang pagkakakilanlan ng mga kasamahan ni Hiyan na sumuko, dahil sa isyu ng seguridad matapos lisanin ng kani-kanilang pamilya ang kanilang komunidad na dating kontrolado ng NPA. - Alexander D. Lopez