Nilagdaan ng mga kandidato sa lokal na posisyon ang memorandum of agreement ng pagkakasundo ng bawat partido para sa isang payapang halalan, sa idinaos na peace covenant sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Dakong 8:00 ng umaga nang lagdaan ang kasunduan sa San Roque Church na dinaluhan ng mga kandidato sa pagkakongresista, mayor, vice mayor at mga konsehal.

Naroon din ang kinatawan ng Commission on Elections (Comelec), grupo ng kabataan, mga opisyal ng barangay, mga guro, mga senior citizen, Malabon City Police, at mga religious group na sumaksi sa paglagda ng mga kandidato.

Ito ang unang peace covenant na nilagdaan sa Northern Metro area. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang