Sa pinag-isang motion for reconsideration, hiniling sa Korte Suprema na baligtarin nito ang desisyong nagdedeklara kay Senator Grace Poe bilang isang natural-born Filipino na may 10 taong residency sa Pilipinas, kaya kuwalipikadong kumandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 9.

Sa joint motion for reconsideration na inihain sa kataas-taasang hukuman nitong Biyernes, iginiit nina Sen. Francisco Tatad, Atty. Estrella Elamparo, University of the East Law Dean Amado Valdez, at Antonio Contreras, isang political science professor, na nabigo si Poe sa citizenship at residency nito.

Inaasahang tatalakayin ng Supreme Court (SC) ang mosyon sa Abril 5, ang unang full court session ng Korte Suprema sa Baguio City, na roon tradisyunal silang nagtitipun-tipon tuwing tag-init.

Matatandaang sina Tatad, Elamparo, Valdez, at Contreras ang nagsipaghain ng magkakahiwalay na reklamo sa Commission on Elections (Comelec), na kalaunan ay nagdiskuwalipika sa senadora sa pagiging hindi natural-born Filipino at sa kakulangan sa 10-year residency na requirement para sa mga kandidato sa pagkapresidente ng bansa. (Rey G. Panaligan)

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho