NAKAPANLULUMO ang nararanasang pangamba ng ilang labor group na nagbibigay-diin na aabot sa 1.2 milyong magsisipagtapos ngayong buwan ang mahihirapang makahanap ng mapapasukan. Ibig sabihin, madadagdagan ang mga nagbibilang ng poste, wika nga, at tataas ang unemployment rate ng administrasyong Aquino.

Katulad ng ipinahiwatig ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) at ng ilan pang mga leader, ang pangunahing dahilan ng pagsulpot ng naturang problema ay ang hindi akmang pagsasanay ng mga college at vocational graduates sa job skills na hinahanap ng mga kumpanyang nais nilang pasukan. Nangangahulugan na ang mga employer ay naghahangad ng angkop o mas mataas na kuwalipikasyon ng kanilang mga kawani.

Totoo na ang mga kaalamang natamo ng mga fresh graduate sa mga unibersidad ay malimit na hindi sapat sa pangangailangan ng mga industriya. Ang krisis na ito hinggil sa job-skills mismatch ay tumindi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. Nabigo ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga karagdagang kasanayan na magpapahina sa epekto ng kompetisyon sa mga kumpanya. Mahalaga ang mga pagsasanay na dapat unang matutuhan sa mga unibersidad at kolehiyo, kabilang na ang mga vocational school sa bansa.

Sa kabilang dako, ang nabanggit na problema ay hindi nakatitigatig sa mga nagtapos sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Pinatunayan sa isang online Fresh Graduates Survey na ang mga nagtapos sa naturang unibersidad ang pinakapapaburan ng mga kumpanya sa pagtanggap ng kanilang mga empleyado. Ibig sabihin, anim sa 10 kumpanya sa mundo ang tumatanggap ng fresh graduates batay sa eskuwelahang kanilang pinanggalingan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Dahil dito, marami ang ginulat ng naturang survey – ang Jobstreet.com – nang ihayag nito na ang PUP, sa halip na mga bigating unibersidad ang nanguna sa employers’ choice poll. Higit na pinahahalagahan ngayon ng mga kumpanya ang on-the-job training (OJT) ng mga estudyante, tulad ng ipinamalas ng PUP graduates.

Ang bagong pagkilala o karangalang ito ng PUP ay totoong ibinatay sa mga kakayahan, karanasan ng mga sumailalim sa OJT. Subalit tulad ng binigyang-diin ni Dr. Emanuel de Guzman, PUP president, ito ay bunga rin ng sama-samang pagsisikap ng school administration at ng mga guro na naging kaagapay ng mga tinaguriang “iskolar ng bayan” sa kanilang pakikipagsapalaran. Collective efforts ito, wika nga. (CELO LAGMAY)