Kalaboso ang kinahinatnan ng isang mag-pinsan matapos silang maaresto dahil sa panghahablot ng bag ng isang babae sa Ermita, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang dalawang naaresto na sina Rodmark Manlapig, 22; at Danica Rose Cabrera, 18, kapwa residente ng Moriones, Tondo, Manila.

Naaresto ang dalawa matapos hablutin ang bag ng girlfriend ng isang Jeremy Pugay sa Padre Faura Street sa Ermita, pasado 12:00 ng umaga kahapon.

Ayon sa salaysay ni Pugay sa pulisya, naglalakad siya kasama ang kanyang syota sa Padre Faura Street nang biglang agawin umano ng magpinsan ang bag ng huli habang sakay ang mga suspek sa isang motorsiklo.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Subalit nang mapansin ng mga tauhan ng Pedro Gil Police Community Precinct na hinahabol ng mag-siyota ang magpinsan, rumesponde ang mga ito na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa Lawton Avenue, malapit sa Universidad de Manila.

(Argyll Cyrus B. Geducos)