Ginapi ng UAAP champion Nazareth School of National University ang NCAA champion San Beda College, 84-74, kahapon para makopo ang Division 1 title ng 2016 NBTC basketball tournament sa MOA Arena.

Bunsod ng panalo, pinatunayan ng NU Bullpups na sila ang pinakamahusay at pinakamatibay na high school team sa bansa.

“Nakuha na rin namin,” pahayag ni coach Jeff Napa.

Hataw si John Lloyd Clemente sa naiskor na 20 puntos, tampok ang apat na 3-pointer, habang kumana si Justine Baltazar ng 12 puntos at 14 rebound para sa Bullpups.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nalimitahan din ng NU ang opensa ng Red Cubs sa 10 puntos sa first quarter.

‘Matindi yung depensa namin, talagang dinugo yung opensa nila,” sambit ni Napa.

Iskor:

NU (84) – Clemente 20, Baltazar 12, Penano 12, Sarip 9, Manalang 8, Jugar 6, Atienza 6, Amsali 6, Coyoca 5, Callejo 0

SAN BEDA (74) – Bordeos 15, Nelle 14, Alfaro 12, Mahinay 11, Velasquez 10, Tagala 8, Lagumen 2, Nayve 2, Etrata 0, Abuhijle 0, Dela Rosa 0

Quarterscores:

16-10, 39-27, 61-45, 84-74