Tuluyang naglaho ang pangarap ni eight-division world champion Manny Pacquiao na makalaro at magwagi ng medalya sa Olympics.
Ipinahayag ng World Boxing Council (WBC), pinakamalaki at pinakamatagal nang boxing association sa mundo, ang pagbabawal sa mga world champion, gayundin sa top-15 fighter sa kani-kanilang division sa paglahok sa Rio Olympics.
“The World Boxing Council rules that any world champion or top 15 ranked boxer per divisions of the WBC that participates in the Olympic games would be immediately expelled,” pahayag ni WBC president Maurice Sulaiman sa opsiyal na website ng WBC.
Iginiit ng WBC, na nakapanlulumo ang naging suhestyon ng International Amateur Boxing Association (AIBA) na payagan ang mga pro boxers na sumabak sa Olympics laban sa mga batang amateur fighter.
“Impossible to imagine, much less accept a fight between a fully developed and experience professional and a young, aspiring pug who’s just getting into the sport,” pahayag ni Sulaiman.
“Boxing is not a game. There is no scoring with goals or baskets. Rather, it is a contact sport which must be taken seriously. Reasoning must prevail, the function of all bodies must be always care and regulate the safety and healthcare of boxers.”
Matatandaang, ipinahayag ng AIBA na nirerepaso ng Executive Committee ang posibilidad na tanggapin ang pro fighters sa Olympic, tulad nang ginagawa sa sports ng basketball, football, tennis at sa kauna-unahang pagkakataon sa Rio Games, ang golf.
Kaagad na tumugon si Pacman sa naturang isyu, gayundin si two-time Olympian Roberto Jalnaiz.
Hindi na dumaan sa pagiging amateur si Pacman kung kaya’t hindi niya natikman na lumaban para sa bandila ng bansa sa amateur ranks, kabilang ang Olympics.
Sa kasalukuyan, inihahanda na ng Amatuer Boxing Association, ang National Team na kinabibilangan nina welterweight Eumir Felix Marcial at lightweight Charly Suarez.
Nasa Los Angeles si Pacman para sa final phase ng kanyang ensayo sa laban kontra Timothy Bradley sa Abril 9 sa MGM Grand Arena sa Las Vehas.