Naniniwala si Senator Serge Osmeña III na may sindikato sa “banking system” ng bansa kaya nakapasok ang $81 million na hinugot sa Bank of Bangladesh sa pamamagitan ng hacking at ipinasok sa lokal na sangay ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC).

Iginiit ni Osmeña na kailangang matukoy ng Senate Blue Ribbon Committee kung sino ang mga kasabwat ni Maia Santos-Deguito, branch manager ng RCBC sa Jupiter Street, Makati City, na kasalukuyang nasa sentro ng imbestigasyon.

Itinuro ni Romualdo Agarado, dating customer service head ng RCBC Jupiter branch, na nakita niya si Deguito habang isinasakay ang P20 milyon sa sasakyan nito noong Pebrero 5. Ang naturang halaga ay pinaniniwalaang naipasok sa bansa gamit ang bank account ni William Go.

Sinabi ni Agarado na humiling si Angela Torres, assistant branch manager, ng P20 milyon mula sa cash center na ikinarga ni Jovy Morales, bank messenger, sa sasakyan ni Deguito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Kitang-kita ko po, kasi nakaupo po ako sa table ko fronting the main door of the branch. Glass lang siya so kitang-kita ‘yun sa labas. Even though it was 6:30 o before 7:00 pm already ‘yung ilaw ay maliwanag sa loob ng branch,” ani Agarado.

Una nang hiniling ni Deguito na isiwalat niya ang lahat sa isang executive session, pero hindi pa ito napagpapasyahan ng komite.

Balak din ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na sampahan ng “contempt” si Deguito dahil sa pagmamatigas nitong sagutin ang mga tanong ng komite. (Leonel Abasola)