Para sa mga taong na-stroke, ang treatment na gumagamit ng electric current sa utak ay makatutulong sa mabilis na paggaling, ayon sa isang clinical trial.

Ang stroke ang pinakakaraniwang dahilan ng malubha, at pangmatagalang karamdaman. Ang rehabilitation training, na makatutulong sa mga pasyente para matutuhang muling gamitin ang katawan, ay maaaring maging daan upang mapadali ang muling pagkilos nang normal ng pasyente. Ngunit ito ay medyo may kamahalan at may katagalan.

“It was hard work for the patients. They had to come into the lab every day for two weeks,” sinabi ng co-lead researcher na si Heidi Johansen-Berg, isang neuroscientist sa University of Oxford sa England, sa Live Science.

Pero lumalabas sa resulta na “we can speed up stroke rehab with brain stimulation,” ayon kay Johansen-Berg. “If we could routinely add brain stimulation to rehabilitation, this could help ensure that each patient reaches their true potential for recovery.”

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“For many patients after stroke, there is minimal opportunity to regain lost functions; tDCS has the potential to make the brain more plasticand so more responsive to treatment,” ayon naman kay Marom Bikson, isang biomedical engineer sa City College of New York. “This is a well-controlled clinical trial toward that goal.” (LiveScience.com)