MAY bagong vocabulary word (salita) ngayon ang Commission on Elections (Comelec) ni Chairman Andres Bautista. Ito ay ang PO-EL. Katunog at halos katulad ng NO-EL. Ang PO-EL daw ay posibleng mangyari, ayon kay Mang Andres, dahil sa desisyon ng Supreme Court (SC) na mag-isyu ng resibo sa botante bilang patunay na ang ibinoto niya ay tama at hindi binago. Sana naman Chairman Bautista, paki-explain mo pa sa mamamayan ang implikasyon ng PO-EL dahil bagong imbentong salita ito ng Comelec.

Suriin ninyong mabuti: kapag si Sen. Grace ang nanalo sa 2016 election, siya ang kauna-unahang Pulot (foundling) na magiging pangulo ng Pilipinas. Kapag si Mayor Rodrigo Duterte naman ang nagtagumpay, siya ang unang presidente na may dalawang First Lady. Papaano kung si ex-DILG Sec. Mar Roxas ang magwagi? Siya ang kauna-unahang pangulo na may ginang na broadcaster. Siya rin ang kandidato na hindi lumiko sa “Tuwid na Daan”.

Eh, kung si VP Jojo Binay naman ang manalo? Siya ang magiging unang pangulo na may isang bilyong pisong (P1 billion) hacienda sa Batangas. Samakatuwid, isang bilyonaryong pangulo. Kapag si Sen. Miriam Defensor Santiago ang nagtagumpay, siya ang kauna-unahang presidential cancer candidate na magiging Punong Ehekutibo.

***

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ipinababatid ng Meralco na ang electricity rates nito ay nakatakdang bumaba ngayong Marso. Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, ang kabuuang rate ng mga residential customer ay bababa ng P0.19/kwh sa buwang ito. Para sa ordinaryong pamilya na kumukonsumo ng 200/kwh, sila ay makatitipid ng P38 sa electricity bill.

Ipinaliwanag ni kaibigang Joe, dating peryodista, na sa P38.63/kwh, ang kabuuan o overall rate sa buwang ito ay mas mababa ng P1.79/kwh kumpara noong Marso 2015 na P10.42/kwh. Ang pagbaba umano ay bunsod ng generation charge na bumaba ng P0.17 /kwh noong nakaraang buwan. Nangangahulugan na mas mababa ito ng P1.21/ kwh kumpara noong Marso 2015 na P5.21/kwh.

Samantala, nilinaw din ni Zaldarriaga na ang distribution, supply, at metering charges ay hindi nagbabago matapos ang pagbaba noong Hulyo. Hindi raw kumikita ang Meralco mula sa tinatawag na “pass-thorugh charges”, gaya ng generation at transmission charges. Ang kabayaran sa generation charge ay napupunta sa power suppliers at ang bayad naman sa transmission charge ay napupunta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

***

Siyanga pala, kapag si Sen. Bongbong Marcos ang nanalong bise presidente ngayong 2016, siya ang kauna-unahang anak ng isang diktador na mapupuwesto sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno, at posibleng maging pangulo kapag namatay o naimbalido ang nakaupong pangulo. (BERT DE GUZMAN)