Isang 68-anyos na babae ang sugatan nang saksakin ng isang miyembro ng Akyat- Bahay gang na naaktuhan ng una na pumapasok sa kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Nagtamo ng isang saksak sa kaliwang bahagi ng katawan si Eida Hael, biyuda, residente ng 1728, 7th St., Punta, Sta. Ana. Ayon sa pulisya, kasalukuyang ginagamot ang biktima sa Sta. Ana Hospital.

Samantala, inilarawan naman ang tumakas na suspek na nasa edad 20-25, malaki ang katawan, nakasuot ng kulay itim na shorts at t-shirt na stripes.

Batay sa pagsisiyasat ni PO2 Sigmur John Muros, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa loob ng bahay ng biktima.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon kay Maria Anne Rose Pabianan, natutulog ang biktima sa unang palapag ng kanilang bahay nang maalimpungatan ito at nakita niya ang suspek sa loob ng kanilang bahay.

Sinita ng biktima ang suspek at nagsisigaw para humingi ng tulong na naging dahilan ng kanyang pagkakasaksak at agad kumaripas ng takbo ang suspek.

Nagising naman umano sina Pabianan sa sigaw ng biktima at nang tingnan nila ito ay duguan na.