Marso 16, 1802 nang itatag ang United States (US) Military Academy, mas kilala sa tawag na West Point Academy, bilang paaralan ng US Corps of Engineers. Layunin nitong sanayin ang kabataang lalaki sa military science, at okupahin ang 6,000 ektaryang lupain sa Orange County, New York.

Itinayo ang West Point sa isang lugar na pipigil sa pag-atake ng mga British.

Taong 1812 nang kumilos ang US Congress upang palawakin ang mga pasilidad ng institusyon at paramihin ang tauhan ng West Point corps. Mula 1817, sinimulan ng institusyon ang pagpo-produce ng mahuhusay na civil engineer, at sa kasagsagan ng Mexican-American War, tinalo ng alumni nito ang puwersa ng Amerika.

Taong 1870 nang pumasok sa akademya ang unang kadete nitong African-American, at ang mga unang babaeng kadete, noong 1976.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’