Ibinasura ng Senate Blue Ribbon Committee ang kahilingan ng branch manager ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) na magkaroon ng executive session upang maisiwalat nito ang lahat ng kanyang nalalaman kaugnay sa US81 million na ninakaw mula sa Bank of Bangladesh.

Iginiit ni Senator Teofisto Guingona III, chairman ng komite, na hindi puwede ang kahilingan ni Maia Santos-Deguito, manager ng RCBC-Jupiter Branch sa Makati City, dahil ang mismong ang may-ari ng pera ay hindi naman naghain ng confidentiality.

Hindi naman napiga ni Guingona si Dequito na isiwalat ang kung ano ang partisipasyon nina Michael Francisco Cruz, Jessie Christopher Lagrosas, Alfred Santos Vergara at Enrico Teodoro Vasquez sa maanomalyang transaksiyon.

(Leonel Abasola)
Teleserye

Janine Gutierrez, kinaiinisan pero pinupuri ang pag-arte