Jake Maine Alden copy

SA wakas, nag-meet at nagkakilala na nang personal sina Alden Richards at Jake Ejercito sa kalyeserye ng Eat Bulaga noong Sabado, March 12.

Pero bago ang kalyeserye, ipinasilip muna ng EB ang trailer ng limang episodes ng kanilang Lenten Special na magtatampok sa Dabarkads at special guests. Tigdalawang episode ang mapapanood sa Holy Monday at Holy Tuesday. Ang ikatlong episode na mapapanood ng Holy Wednesday, March 23, titled God Gave Me You ay magtatampok kina Alden, Maine Mendoza at Jake, full-drama at dalawang oras ang haba, parang isang pelikula, na magtatampok din sa iba pang Dabarkads, sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal.

Masaya ang AlDub Nation na nakabalik na si Alden sa Pilipinas mula sa Dubai show kasama sina Aicelle Santos at Betong Sumaya. Pero big question pa rin sa kanila kung papasok ba si Alden sa EB dahil almost midnight na siya nakarating ng bansa ng Biyernes, at si Aicelle, hindi nag-report para sa kanyang Traffic Diva segment.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa episode noong Sabado, inimbita ni Ms. Caithlyn Dubsmash o Dudang (Allan K) si Divina at mga lola nito sa kanyang mansion, magpapahanda raw siya ng masasarap na pagkain at may paandar siya para sa birthday ni Divina, sa utos ng asawa niyang si Dady Dods. Sa pagdalo ng maglolola, tumawag si Alden kay Divina na sasamahan sila na ikinatuwa nito.

Pero hindi lang iyon, tumawag din si Jake at sinabing darating din at dadalhin kay Divina ang business proposal report para sa kanilang entrepreneurship subject sa school. Medyo nataranta si Divina, pero wala na siyang magagawa.

Masayang sinalubong ng banda ng musiko ang pagdating ng maglolola, at ni Dudang at ang kanyang mga foreignoy. Unang dumating si Alden na sinalubong ng mahigpit na yakap ni Divina. May pasalubong na carioca and banana cue si Alden na hand-carried pa raw niya mula Dubai. Maya-maya, dumating na rin si Jake kaya nagkaharap na sila ni Alden.

Selos pa more si Alden kaya biniro siya ni Divina na nababasa niya ang mata nito na nagsasabing “selos ako.” Napawi ang selos ni Alden nang sabihin ni Jake na bagay naman talaga sina Alden at Divina at madalas siyang maikuwento ng kaklase. Nag-request tuloy ng kanta si Lola Nidora (Wally) kay Alden, ang God Gave Me You at ni-request din nila si Jake na nag-lip sync ng Ipaglalaban Ko na si Lola Tinidora (Jose) ang kumanta.

Habang kumakain, sinabi na ni Dudang ang pasabog niya, ipinaalaala kay Divina ang tungkol sa maliit na kahon na ibinigay niya para sa birthday nito na hindi niya pinabuksan dahil ang Dady Dods niya ang magsasabi kung kailan iyon. Nag-utos na pala ang kanyang ama na buksan na ang kahon, na naglalaman ng susi na nang makita ni Lola Nidora ay nakilala na susi iyon ng nailit na mansion nila.

Ang tanong ni Ging-ging (Jose), kay Dudang daw kaya naisangla ang mansiyon nila at ipinabigay ngayon ni Dady Dods kay Divina?

Simula na kaya ito ng bagong twist sa kalyeserye? Kasali na kaya sa story si Jake na nagbabakasyon from his masteral in Singapore. Kasama rin kasi siya sa Lenten Special.

Mukhang hindi na makatatanggi ang mommy ni Jake na pasukin na rin ang showbiz habang bakasyon pa from school. AlDub fan ang mommy ni Jake at hindi kami magtataka kung manood siya ng taping para mabigyan ng points ang anak.

(NORA CALDERON)