Maagang inilabas ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang abiso sa schedule ng operasyon ng LRT Line 2 para sa Holy Week.

Ayon kay LRTA Spokesperson Atty. Hernando Cabrera, ang huling alis ng tren ng LRT 2 sa Santolan Station sa Marso 23 (Miyerkules) ay sa ganap na 8:00 ng gabi, habang 8:30 ng gabi naman ang huling biyahe sa Recto station.

Sa kanyang pahayag sa Twitter, sinabi pa ni Cabrera na walang biyahe o operasyon ang LRT Line 2 sa Marso 24 (Huwebes Santo) hanggang Marso 27 (Easter Sunday) upang bigyang-daan ang Kuwaresma.

Sa nakalipas na mga taon, nagpapatupad din ng kaparehong tigil-biyahe ang LRT Line 1 (Roosevelt-Bacalaran) mula Huwebes Santo hanggang Easter Sunday. Ginagamit ng LRT 1 ang nasabing mga araw sa maintenance work sa mga tren at sa mga istasyon nito.

Eleksyon

Mga mananalong senador sa eleksyon, inordenahan ng Diyos — Tito Sotto

Ang maagang abiso ng pamunuan ay para bigyang giya ang mga pasahero na humanap ng alternatibong transportasyon patungo sa kanilang destinasyon sa nabanggit na mga petsa. (Bella Gamotea)