Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil inaasahan ang matinding traffic na idudulot ng road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lugar sa Metro Manila, ngayong weekend.

Ayon sa MMDA, nagsimula ang road re-blocking dakong 10:00 kagabi, at matatapos sa Lunes, Marso 14, bandang 5:00 ng umaga.

Kabilang sa mga apektado ng road re-blocking ang bahagi ng Commonwealth Avenue, mula sa Don Antonio Drive hanggang bago sumapit sa Luzon Avenue sa Quezon City, ikatlong lane; ang panulukan ng C.P. Garcia at Magiting Streets sa Diliman, ikalawang lane mula sa sidewalk; at panulukan ng EDSA at NIA Road, una at ikalawang lane mula sa sidewalk.

(Bella Gamotea)

National

Ex-Pres. Duterte, ikakampanya si Quiboloy: 'Marami siyang alam sa buhay!'