Pinalagan ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang pag-apruba sa hiling ng Social Security System (SSS) na mabiyayaan ang matataas na opisyal ng ahensiya ng performance-based bonus.

Sa kanyang liham kay Secretary Cesar Villanueva, chairman ng Governance Commission for Government-owned and Controlled Corporations, tinukoy ni Colmenares ang isang annual audit report ng Commission on Audit (CoA) na nag-ungkat sa mga kuwestiyonableng transaksiyon ng SSS kaya tinututulan niya ang pagbibigay ng performance-based bonus sa mga opisyal nito.

Ito ay matapos hilingin ng mga opisyal ng SSS ang karagdagang benepisyo sa ilalim ng Performance Based Bonus program ng GCG bilang “insentibo” sa kanilang mga accomplishment.

Bukod kay Colmenares, kinontra rin ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang pagbibigay ng incentive bonus sa mga SSS official dahil, anila, hindi karapat-dapat ang mga ito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Iginiit ng dalawang kongresista, na kapwa kandidato sa pagkasenador sa Mayo 9, na kailangan munang magpakitang-gilas ang mga opisyal ng SSS bago pagkalooban ng bonus. (Ben Rosario)