MAY bagong lalaking nagpapatibok ng puso ni Lindsay Lohan at ito ang Russian business heir na si Egor Tarabasov.

Nagpahaging ang 29 na taong gulang na aktres na natagpuan na niya ang bagong lalaki na nagpapasaya sa kanya nang ibahagi niya ang litrato nito na abs lamang ang makikita at may caption na, “I love him.”

Nitong Miyerkules, tila kinumpirma na ni Lohan kung sino ang lalaki nang ibahagi niya ang isa pang litrato. “This is what happens when you choose you’re ‘boyfriend jacket’ for #fashion you both have to hide because he gets stuck with your tailored chanelofficial jacket #westEnd,” saad ni Lohan.

Nakilala ang lalaki na si Tarabasov, 22, isang negosyante na naninirahan at nagtatrabaho sa London. Naiulat na madalas makitang magkasama ang dalawa sa loob ng anim na buwan, simula nang magkakilala sila sa pamamagitan ng kanilang common friend. Ayon sa isang source, seryoso ang magkasintahan sa kanilang relasyon, at sa katunayan, sinamahan ni Tarabasov si Lohan mula sa London nang bisitahin ang pamilya sa New York City nitong nakaraang holidays.

Pelikula

Sine Singkwenta: ₱50 na movie ticket, handog ng FDCP at MMFF

Matatandaang nakarelasyon ng dating Mean Girls star si DJ Samantha Ranson, si Mas Gorge, at ang isa pang international man na nagmula sa mayamang pamilya na si Stavros Niarchos. (Yahoo News/Celebrity)